wala lang
hindi ako mahilig manood ng mga telenovela at wowowee pero mula ng magkaroon kami ng TFC channel, natuto akong manood nyan. kasi naman, madaling araw na pinapalabas dito ang the correspondents at iba pang documentary/informative shows ng abs-cbn.
dati nanonood ako ng Wowowee na kahit minsan hindi ko pinanood sa pinas...napagtiyagaan ko rin ng ilang buwan, naiingayan ako. dapat bang sumisigaw para lang masabi na masaya ang isang palabas? ewan ko. natatandaan ko pa nga iyong babaeng pinakita na binigyan ng maraming dollars. napanood ko iyon. hehehe..
Ang Panday, pinanood ko lang ang ilang episodes nagsawa din ako kasi lagi na lang hinahanap si eden. walang katapusang paghahanap... kung sabagay, kung hahayaan nilang makita agad ni tristan (jericho rosales) si eden (heart evangelista), matatapos na agad. wala naman gaano istorya si panday eh. ano na nga kaya nangyari dun? biglang nawala sa ere.
ito namang Calla Lily, ang bata bata pa lang ang dami na suliranin. kawawa naman.. sana ma-enjoy nila ang pagiging bata.. hehehe.. tama bang pagsalitaan ang nanay nya na kerengkeng? at parang napaka-helpless ng tatay, mas magaling pang mag-isip si calla o si lily ba iyon? tinigilan ko na rin kasi ang panonood.
meron pinapatalastas sa TFC, pelikula nina bea at john lloyd. nakalimutan ko na ang pamagat basta magkaibigang matalik sila doon. tawa ko ng tawa kasi tinanong ni bea si john lloyd ng "may mga pagkakataon bang nagnasa ka sa akin?"
Sa Piling Mo. mula ng isilang, bulag na si adrian (piolo pascual). magkakababata sila ni jennifer (judy ann santos), magkasama sa iisang bahay hanggang sa magbinata't magdalaga. nagkahiwalay ng ilang taon. bakit nang muli silang magkita, hindi nabosesan ni adrian si jennifer? meron ngang isang eksena, gumagamit si jennifer ng laptop, eh naka-patay naman. kitang kita. hehehe. tapos nung palitan nila ang aktor bilang si jeremy, anak ni jennifer kay adrian, magkaibang magkaiba ng itsura at pagkabibo. marami pang pa-cute na eksena. sabi nga ni augs.. tama na pagpi-flirt! at maraming nakakatawang eksena!
Bituing Walang Ningning. 18 taon na nakakalipas at di pa rin makalimutan ni rosa mia (zsa zsa padilla) ang anak nyang nawala. lagi pa rin syang umiiyak at umiinom ng alak...di na naka-move on. mabuti nga rin 'di na sya kumakanta ng "nasaan ka man..." at tinigilan na rin ni lavinia ang "Miss na miss kita".. akalain mo bang iyon ang pinasikat na kanta ni lavinia at may music video iyon ha? si dorina (sarah geronimo) naman, mahirap lang sila pero naka-lacoste hahaha. ok lang kasi di naman mapapansin ng mga manonood.
telenovela...may mabagal ang takbo ng istorya, nakakainis minsan ang pagkagawa ng script o pagkadirehe. may mga ilang eksena na sobrang gasgas na o ika nga'y gamit na gamit na at hindi na bagay sa mga gumaganap. nasa bahay lang naka-make-up pa, parang pupunta sa isang marangyang pagtitipon. ang mga mahihirap o naghihirap, halatang halata ang make-up...naisip ko tuloy, naghihirap na nga namumula pa ang labi at pisngi...ba't di kaya gawing natural ang kulay?
kung sabagay iyon naman ang gusto ng masa. ang inaapi o minamaliit tapos yayaman at matutuong maghihiganti o lumaban o kaya eh ang sobrang martir tapos matutong lumaban.
magaling na nagagapanan ni albert ang karakter nya bilang dionisio, ai-ai bilang adora at sarah geronimo bilang dorina.
naku, malapit na mag-11! nawili ako dito manonood pa ko ng Sa Piling Mo at Bituing Walang Ningning! (nakikinikinita ko na mukha ni jojo, tatawanan na naman ako nun! kung kelan daw ako napunta sa 'merika saka ko natutong manood ng mga telenovelas... hehehe)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home