Friday, March 31, 2006

Pagkaing Pinoy



Heto na naman ako sa punto na gusto ko ng pagkaing Pinoy. Kung naririto si Jojo, maaari kong isipin na naglilihi ako.Pero dahil wala, nagtatakaw lang talaga ako. Sige na nga, pasintabi sa salita ko pero mas angkop yata ang salitang naglalaway kaysa nagtatakaw.
    Gusto kong kumain ng:
  • Saluyot at labong na nilahukan ng inihaw na bangus (ito ang sobrang naglalaway ako! syempre, luto ni nanay)

  • Sinaing na tilapia (kaso luto ng biyenan ko 'to, kailangan ko kaya pumunta ng Mindoro? hmm.. *isip, isip* sana ipagluto ako ni Jojo ;-D)

  • Inihaw na tilapia o tamban

  • Talaba (gusto ko nito iyung sariwa)

  • Alimango

  • Sinigang o tinoyoan na ayungin

  • Ginataang tulingan (sarap magluto ni Jojo nito!)

  • Tinapang tamban na may sawsawang kamatis

  • Ginataang biya na binalot sa dahon ng gabi

  • Paksiw na bisugo (masarap may kasamang talong at ampalaya)

  • Sinigang na ulo ng pink salmon sa miso

  • Tahong

  • Kangkong

  • Mangga, bagoong alamang at inihaw na talong

  • Gulay, gulay at gulay pa

Hindi bale, kaunting araw na lang ang pagtitiis ko...

3 Comments:

Blogger tabel said...

grabe kahit andito ako sa pinas eh naglalaway ako nung binabasa ko to. di bale nga.. konting tiis na lang at matitikman mo na ulit mga yan.

1:56 AM  
Blogger itsme_apaul said...

INGGITIN MO BAKO LOL!!!! MOST OF THIS FOOD DI KO PA NAKAKIN OR NATITIKMAN PERO TUNOG PALANG MUKHANG AKO HULING TATAYO SA LAMESA. GATANG TULINGAN TGAL KO NG DI NATITITKMAN HEHEH.. MANGGA KELAN KO KAYA MAHAHAWAKAN MANLANG HAHAHA.TAGALOG NA TGALOG GRABE LOL.

1:58 PM  
Blogger xieurx said...

ang ganda naman ng mga picture...kakagutom! =) (sym)

7:43 AM  

Post a Comment

<< Home