A break from work
Dalawa o tatlong beses lang kaming mag-asawa kung umuwi sa Mindoro sa loob ng isang taon. Iyon ay tuwing Mahal na Araw, kaarawan ng itay, at Bagong Taon. Ngunit sa taong ito...buong buwan pa lamang ng Agosto ay naka-apat na balik na kami! Lingo lingo. Niloloko nga ako ni Auggie at Don na ginawa ko na raw Cubao ang Mindoro. Ang dahilan? Basketball. Team Manager ang nakatatandang kapatid ni Jojo at naatasan si Jojo na maging assistant manager, consultant, dakilang tsuper, at entertainer ... hehehe. Ako? Dakilang asawa, alalay, photographer, at tagahanga. Mabuti na lang at mahilig din ako manood ng basketball kasi ayaw ni Jojo na hindi ako kasama.
Nakakalungkot
- na ang basketball ay maari palang maging sobrang "mapulitika" dahil sa pagnanais ng bawat kalahok na manalo.
Nakakatakot
- huling linggo, kailangan naming umabot sa 7:00 ng gabi na laro. Kasama namin ulit ang mga imports, mag-a-alas 3:00 ng hapon nasa Turbina, Laguna pa lang kami. Kailangan naming umabot sa 4:00 na alis ng barko. Mula Turbina hanggang sa pantalan ng Batangas, kinuha lang ni Jojo ng 15-20 minutos. Bilis ng sasakyan: 150 kph!
Nakakatuwa
- kasi marami kaming supporters. Bukod sa may banda si kuya, panalong panalo ang imports namin! May fans club na nga! hehehehe. Huli na kasi kaming dumating, 6 minutos na nag-uumpisa ang laro. Akala ng mga tao, wala na mga imports na maglalaro sa team namin. Nung makita nilang dumating mga imports, napuno ng sigawan at palakpakan ang gym! Ang saya ng pakiramdam!
Nakakapanghinayang
- hindi kami umabot sa semi-finals. Maagang nag-graduate ang isa sa mga imports namin. Ewan ko... masyado yatang na-"challenge" ang referee kasi nag-dunk nung nag-fastbreak. Yanig nga ang board! Ayon... panay panay ang tawag ng referee. At OA sa pagtawag ha? Kailangan sa gitna ng court magsesenyas! Hindi naman kaya ng isang import kasi bukod sa siya ang magre-rebound, siya ang magsu-shoot, binantayan pa ng kalaban. Galit na galit ang mga manonood sa referee na iyon. Lahat ng manlalaro namin na gumagawa, kundi 3, 4 fouls na. Natigil lang ang pag-tawag niya ng fouls nung lumamang na ang kalaban at kung kailan physical na ang laro. Pinagmumura siya ng mga manonood, nung matapos nga ang game, may 2 syang bantay.
Nagpapasalamat
- at nalaglag na kami. Naglaban iyong nakatalo sa amin at iyong team ng kaibigan ni kuya. Nagkaroon ng kaguluhan kasi isa sa mga manlalaro ng nakalaban namin ang sumuntok dun sa import ng kaibigan ni kuya. Putok ang mukha. Ayon, nagpang-abot ang dalawang team. Isinugod sa hospital ang import, ewan kung ilan ang tahi.
Samu't sari man ang naging pakiramdam ko, sasabihin ko pa rin , sa pangkalahatan, na masaya at naging bahagi ako ng basketball cup na ito dahil bukod sa karanasan, nagkaroon kami ng mga bagong kakilala at kaibigan.